3 MAGSASAKA BIKTIMA NG UBUSAN NG LAHI

magsasaka

NORTH COTABATO – Pinaniniwalaang away-angkan o clan war ang isa sa dahilan kaya pinabulagta ang tatlong magsasaka makaraang ratratin ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Sitio Dangeya, Barangay Bulol, bayan ng Pikit, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimi na sina Mahamed “Sito” Ahad, 28; Maan Panaggilan, 32; at si Unday Abdulkadir, 29, pawang magsasaka at nakatira sa Barangay Rajamuda sa nabanggit na bayan.

Base sa police report na nakarating kay P/Captain Mautin Pangandigan, magkakaangkas sa motorsiklo ang mga biktima na patungo sa Barangay Lagundi nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng cal. 5.56 at 7.62 habang patuloy naman ang imbestigasyon kung saan sinisilip ng pulisya ang anggulong clan war na isa sa pangunahing dahilan nang pananambang laban sa mga biktima. MHAR BASCO

Comments are closed.