ISABELA – Ligtas na sa kamatayan ang tatlong magsasaka na natuklaw ng ahas sa San Mateo at Alicia.
Kinilala ang dalawa sa mga biktima na sina alyas Robert at Protacio na residente sa magkahiwalay na bayan ng Isabela.
Naglilinis ng kanilang mga bukirin ang tatlo sa magkakahiwalay na lugar nang matuklaw sila.
Pawang nagkataon na naisugod sila sa Integrated Hospital, sa bayan ng San Mateo.
Ang nasabing ospital ang tanging mayroong Anti-venom Vaccines sa buong Isabela.
Ayon kina Robert at Protacio, nasa bukid sila nang hindi nila napansin ang ahas at bigla na lamang silang tinuklaw, na ayon sa ilang mga magsasaka na kapag sasapit ang ganitong panahon ay nagiging matatapang at mababagsik ang mga ulupong.
Ayon naman kay San Mateo Mayor Crispina Agcaoili, welcome ang mga pasyente sa kanilang Integrated Hospital, maging ito ay mula sa iba’t ibang bayang sakop ng lalawigan ng Isabela dahil sapat ang supply ng kanilang mga gamot, pangunahin na ang anti-venom vaccines upang magamot ang sinumang magtutungo sa kanilang pagamutan.
Pinaalalahanan naman ang publiko lalo na ang mga magsasaka laban sa mga ahas na lumalabas lalo na ngayong panahon ng paglilinis ng sakahan na palaging mag-ingat. IRENE GONZALES
Comments are closed.