3 MANGINGISDA NAILIGTAS NG PCG

UTANG ng tatlong mangingisda ang kanilang buhay sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang sagipin sila ng mga ito sa karagatang sakop ng Bilar, Surigao Del Norte.

Lulan ng MB THOMAS ang tatlong mangingisda nang makaranas sila ng malalakuing alon dahilan para lumubog ang bangka.

Nagawa namang makatawag ng kapitan ngn bangka sa kaniyang asawa na agad humingi ng saklolo sa pinakamalapit na Coast Guard unit.

Tiyempong lugar ang BRP Bagacay na ginagamit sa relief mission para sa mga nasalanta ng bagyo.

Agad silang nagsagawa ng search and rescue (SAR) operation at doon ay nailigtas ang tatlong mangingisda.

Pawang nasa maayos namang kondisyon ang tatlo.