PANGASINAN –MAKARAAN ang halos dalawang araw na palutang-lutang lulan ng Bangka sa Lingayen Gulfm nailigtas na ang tatlong mangingisda at ngayon ay nasa kanila nang mga tahanan sa bayan ng Bolinao.
Nakilala ang mga ito na sina Yolanda Camba, Federico Rosal, at Reynante Dedios, pawang mga naninirahan sa nasabing bayan.
Ang tatlo ay na-stranded sa naturang bahagi ng katubigan makaraang pumalya ang makina ng kanilang bangka.
Sinabi ni Yolanda na hindi pa sila nakakalayo mula sa dalampasigan ng Bolinao ay biglang tumigil sa pag-andar ang makina ng kanilang sasakyan.
Hinayaan na lamang nila na tangayin ng mga naglalakihang alon ang kanilang bangka hanggang sa mapadpad ang mga ito sa karagatang bahagi ng lungsod ng San Fernando, La Union kasunod ang pagsaklolo ng mga kapwa mangingisda.
Naikwento pa ni Yolanda na tiniis nilang kainin ang baon na napanis na kanin at ilang pirasong tinapay upang hindi magutom habang nag-aabang ng sasaklolo sa kanila.
Nagpapasalamat naman ang tatlo sa mga kapwa nila mangingisda na sumagip at kumupkop sa kanila hanggang sa makauwi ang mga ito.
Inihatid naman ng mga kawani ng Philippine Coast Guard patungong Bolinao ang mga naturang nasagip na mangingisda.
436500 714114I real pleased to locate this site on bing, just what I was searching for : D too saved to bookmarks . 930063
302988 703121Thanks for the info provided! I was researching for this post for a long time, but I was not able to see a dependable source. 76809
535009 979583I surely did not realize that. Learnt some thing new these days! Thanks for that. 99802
992340 361641I quite glad to locate this web site on bing, just what I was looking for : D as well saved to favorites . 286172