TATLONG mangingisda na unang naiulat na nawawala habang sakay ng motorbanca ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Benham Rise sa Pandan, Catanduanes.
Ang mga nasagip na mangingisda ay kinilalang sina Romeo Bernardo, 59; Freddie Lubiano, 54; at si Glen Lopez, 44.
Ayon sa PCG, sila ay natagpuan matapos ang apat na oras na search and rescue (SAR) operations, sakay ng distressed motorbanca, F/BCA Benedect Uno.
“When they inspected the distressed motorbanca, they found out that the engine absorbed salt through seawater and was diluted to the engine fuel,” ayon sa ulat na nakarating kay Commander Armand Balilo ng PCG.
Hinila naman ng SAR team ang nasabing bangka sa Barangay Del Norte, Pandan, Catanduanes para sa repair.
Sinabi ni Lubiano na siyang Boat Captain na nagkaroon sila ng engine trouble habang patungo ng Barangay Napo, Pandan, Catanduanes matapos ang kanilang pangingisda sa katubigan ng Benham Rise.
VERLIN RUIZ
Comments are closed.