NORTH COTABATO- TATLONG magkakabarkada ang inaresto ng awtoridad matapos na iturong suspek sa panghahalay sa isang 16-anyos na estudyante sa bayan ng Tulunan.
Sa report ng Tulunan Municipal Police Station, nahuli sa akto ang tatlo na ginagawan ng kahalayan ang biktimang itinago sa pangalang Amor.
Nabatid na isinuplong ang mga suspek ng may-ari ng isang swimming pool na tumatayong testigo sa Barangay Sibsib sa nabanggit na bayan.
Sinasabing magkakasama ang apat at nakitang nag-iinuman muna at ng magising ang biktima ay pinagtulungang dalhin sa comfort room ng pool.
Sa ngayon, inihahanda na ang kaukulang kaso na isasampa laban sa tatlo na mariing itinanggi ang paratang sa kanila. VERLIN RUIZ.
Comments are closed.