BULACAN- HULI sa akto sa pamamagitan ng entrapment operation ng mga tauhan ng Criminal investigation and Detection Group kasama ang ilang kinatawan ng Animal Kingdom Foundation sa liblib na lugar ng Brgy, Sumandig sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigang ito.
Inabutan ng mga awtoridad na nagsusuplete ng dalawang Aspin ang tatlong kalalakihan na kumakatay at nagbebenta nang karne ng aso.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Richard Burlas 36-anyos; Jonathan Caraig, 39-anyos at Elizaldy Labador, 48-anyos na kapwa residente sa nabangit na barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SMS Jayson dela Cruz, ganap na ala-5:20 ng hapon nito Linggo nang isagawa ng entrapment.
Nabatid na una nang nadakip ang mga suspek base sa paghingi ng tulong ni Reymart Tabug y Gallogo, Administrative Staff of Animal Kingdom Foundation
Nabawi ng mga awtoridad ang limang buhay na asong pinoy o ASPIN na nakasilid sa sako at 2 kinatay na aso,nakuha sa lugar ang isang suplete, timbangan, 2 kutsilyo at buy bust money.
Nabatid na ibinebenta ang karne ng aso ng P300 hanggang P400 kada kilo sa kanilang mga parokyano habang ang iba ay dinadala pa sa lungsod ng Baguio.
Ayon kay CIDG Chief, Lt.Col Dave Mahilum, kasong paglabag sa R.A 8485 as amended by R.A 10631 (The Animal Welfare Act of 2017) at R.A 9482 (Anti-Rabbies Act of 2007) ang isasampa laban sa mga suspek. THONY ARCENAL