3 MENOR ARESTADO SA POT SESSION

marijuana

CAVITE – Tatlong estudyanteng menor ang inaresto ng mga barangay tanod makaraang maaktuhang humihit­hit ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bahagi ng Tramo sa Barangay Zapote 4, Bacoor City,  kamaka­lawa ng mada­ling araw.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga suspek na  itinago na lang natin sa mga pangalang alyas Marcherrie, 15; Jhon, 15; at si Jason, 16, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nakatanggap ng tawag sa te­lepono ang ilang barangay opisyal na may mga kabataang humihithit ng marijuana sa madilim na bahagi ng nasabing barangay.

Kaagad na rumesponde ang ilang barangay tanod sa nabanggit na lugar para beripikahin ang itinawag sa kanila ng isang concerned citizen.

Gayon pa man, may ilang metro pa lamang sa kinaroroonan ng mga suspek ay nangangamoy na marijuana, kaya kaagad na dinakma ang tätlo na hindi na nakahulagpos saka binitbit sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposition.

Narekober sa mga suspek ang 6 plastic sachets na pinatuyong dahon ng marijuana na isinailalim na sa chemical analysis sa Cavite Provincial Crime Laboratory. MHAR BASCO

Comments are closed.