3 MENOR HULI SA KARNAP NA MOTOR

MOTORCYCLE

QUEZON – ARESTADO ang tatlong menor na lalaki sa isang joint police operation ng Gumaca-PNP na pinamumunuan nila PMaj. Rodel Calawit, Quezon-HPG PCapt. Charlie Reyes, at QPPO PIB dahil sa pagbebenta ng mga kinarnap na motorsiklo sa  bahagi ng Brgy. Rosario, ba­yan ng Gumaca.

Base sa ulat ng Gumaca PNP, nakatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ng mga motorsiklo ang mga suspek kung kaya agad silang nag-sagawa ng entrapment police operation na nagresulta sa pagkakarekober sa posesyon ng mga suspek ng tatlong motorsiklo na kinarnap ng mga ito mula sa siyudad ng Tayabas at bayan ng Pagbilao.

Kasalukuyang nasa kostodiya ng mga pulis ang tatlong binatilyo at ililipat sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development. BONG RIVERA

Comments are closed.