3 MILYONG PINOY MAY SCOLIOSIS

DUMARANAS ng scoliosis ang may tatlong milyong Pilipino, batay sa pag-aaral ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Philippine Orthopedic Center specialist Dr. Franklin Dizon III, ang scoliosis ay isang kondisyon na ang spine ng isang tao ay lumiliko patagilid, maaaring pakanan o pakaliwa.

Bagaman marami nang research ang isinagawa ng pamahalaan, hindi pa rin malinaw sa mga naturang pag-aaral kung ano ang tunay na dahilan ng naturang sakit.

Gayunpaman, ma­aaring bantayan basta’t huwag lamang pabayaan na magtatagal ito bago komunsulta sa mga eksperto.

Sinabi ni Dr. Dizon III, kailangang alam ng publiko ang mga maagang senyales nito katulad ng hindi pantay na balikat, bahagyang pagka-kuba, abnormal posture, at iba pa. JUNEX D