3 MILYONG RESIDENTE TARGET MABAKUNAHAN NG DOH CALABARZON

TATLONG milyong residente ang target na mabakunahan ng Department of Health Calabarzon sa 3-day National vaccination days na magsisimula ngayong araw, Nobyembre 29 hanggang sa Miyerkules, Disyembre 1.

Preparado na ang vaccination teams sa mga lugar na may mga mabababang vaccination coverage na target na makapagbakuna ng isang milyon kada araw.

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Ariel I. Valencia kabilang ang GIDA o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas na mapuntahan ang mga island community para personal anyang ma-assess at matingnan ang mga kinakailangang tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng mga residente.

Sinabi pa ni Valencia, ligtas ang lahat ng brand ng bakuna. kaya’t iwasan na ang mamili pa ng kung anong brand ng vaccine “huwag na po tayong mamili pa ng brand ng vaccine dahil lahat ng ito ay ligtas gamitin. these vaccines will protect you and your family and i encourage you to proceed to your nearest vaccination centers during the 3-day vaccination day and get vaccinated, Let us do our part in helping eliminate covid-19,” .

MAkikipagtulungan rin ang mga local government unit (LGUs) na may 174 na grupo ng mga bakunador kaya’t hinihikayat nito ang lahat na makiisa at lumahok sa tatlong araw na bakunahan na sabayang gaganapin sa buong bansa.

Ang mga brand ng vaccine na gagamitin ay Sinovac, Moderna, Sputnik V, Pfizer at Astrazeneca. CYRILL QUILO