3 MINALAS SA ROAD MISHAP

Aksidente

BUKIDNON – TATLO katao ang nasawi habang tatlong iba pa nilang kasamahan na sakay ng isang sport utility vehicle ang nasugatan ng makabanggan nila ang kasalubong na dump truck sa Barangay Maluko ng bayan ng Manolo Fortich.

Sa ulat ng Manolo Fortich Police Office, kabilang sa nasawi si Prince Clark Borja ang driver ng nawasak na SUV  at mag-asawang sakay niya na sina Emmanuel at Anecita Barabat.

Kasalukuyang nilalapatan pa ng lunas sa pinagdalahang pagamutan ang tatlo pang sakay ni Borja.

Ayon sa mga imbestigador, pawang trabahado ang tatlo na galing Malaybalay City sa Bukidnon at patungo sana ng Cagayan de Oro City.

Galing naman mula sa Dalirig sa Manolo Fortich ang truck at papunta din umano sa Malaybalay.

Ayon kay Police Lt. Col. Duphar Chris Cuaresma, sa hepe ng Manolo Fortich Municipal Police Station kapwa nag-alanganin at nagka agawan ng lane ang da­lawang sasakayan na nagresulta para magkabanggan ang mga ito.

Kasalukuyang nakapiit sa Manolo Fortich detention center ang driver ng dump truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical injuries, at damage to properties. VERLIN RUIZ

Comments are closed.