BULACAN – MATAPOS ang halos dalawang linggong surveillance laban sa mga miyembro ng “Camargo Robbery Holdup Group”, nadakip na ng mga operatiba ng Bocaue Police at PNP Provincial Mobile Group ang tatlo katao sa Brgy. Wawa, Balagtas makalipas ang ilang minutong habulan.
Sa report na ipinadala ni P/Lt.Col. Rizalino Andaya kay PNP Regional Director PBGen. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga suspek na sina Jofrey Asajar y Jinon, 40-anyos, ng Smile City Homes, Brgy, Kaligayahan Sabarte, Quezon City; Jordan Camargo y Ramos, 44, ng Brgy. Pandayan, Meycauayan City at Marlon Matigas y Castillo, 55-anyos, ng Grand Villas Brgy. Loma de Gato Marilao.
Nadakip ang mga suspek sa pamamagitan ng cctv footages sa panghoholdap ng mga ito sa mga negosyante ng palay na pumapasok sa mga bangko.
Nabatid na lulan ng kulay itim na Hyundai Tucson ang mga suspek na armado ng maiikling kalibre ng baril.
Nakuha ng mga awtoridad ang 6 na cal.45 na baril at mga bala, iba’t ibang mga gamit sa illegal na operasyon tulad ng mga plaka ng sasakyan kabilang din sa nakumpiska ang 3 plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Samantala, kasong paglabag sa illegal possesion of firearms and ammuntions at violation of omnibus election code at Republic act 9165. THONY ARCENAL
Comments are closed.