3 MIYEMBRO NG DAWLAH ISLAMIYAH SUMUKO

Arvin Encinas

LANAO DEL SUR – SUMUKO sa tropa ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isa pang miyembro ng Dawlah Islamiyah kahapon sa Camp Darul-Iman, Barangay Sandab, Butig.

Kinilala ni AFP-Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, ang panibagong sumuko na si Mosa Amboto Olama, 33, residente ng Barangay Poctan, Butig.

Si Olama na ni-recruit sa Dawlah Islamiyah  ni Mahadih Maute, kapatid ni Omar Maute at Abdullah Maute, ay kabilang umano sa mga maute fighters na lumaban sa gobyerno noong marawi seige, batay sa ulat ni Brig. Gen. Ge­neroso Ponio, commander ng Joint Task Force ZamPeLan.

Isinuko naman ni Olama ang isang US M1 Garand rifle, limang caliber 30 ammunition, at isang ammunition clip.

Noong Lunes ay u­nang sumuko ang dalawa niyang kasamahan na sina Metalicop Ambayan Bembang at Sabidra Sisomnong Panulong sa military, bitbit ang isang M203 Grenade Launcher, mga bala at bandolier. VERLIN RUIZ