LANAO DEL SUR – SUMUKO sa mga tauhan ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army ang tatlong miyembro ng Maute ISIS group sa Sultan Dumalondong, kahapon ng umaga.
Ayon kay Captain Clint Antipala ang tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army alas-10: 30 ng umaga nang sumuko sa army ang tatlong mga maute ISIS member.
Sinabi naman ni Lt. Col Edgar Allan Villanueva, ang Commander ng 49th Infantry Battalion, na ang mga sumuko ay mga tauhan ni subleader Mubarak Manalo alyas Mubarak.
Dahil, aniya sa walang tigil na operasyon kontra sa mga terorista kaya sumuko ang mga ito.
Isinuko rin nila ang kanilang mga armas tulad ng isang M2 Carbine rifle, magazines at mga bala. REA SARMIENTO