3 MIYEMBRO NG MILITIA NG BAYAN SUMUKO SA PNP

sumuko

CAGAYAN – E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan ang nagbunsod upang sumuko ang tatlong miyembro ng Militia ng Bayan o suporters ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Rizal.

Ang tatlo ay nasa edad na 64, 32, at 24, at mga miyembro umano ni Ferdinad Bautista alyas Ka Simoy ng makakaliwang kilusan na nakumbinsi sila na sumapi sa kilusan.

Ayon kay P/Capt. Joevencio Calagui, hepe ng PNP-Rizal, na ang pagsuko sa gobyerno ng natu­rang mga dating rebelde ay resulta ng programang ‘Bisita ni PD’ at ‘Bisita ni COP’ na layong pigilan ang local communist armed conflict alinsunod sa Executive Order Number 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Calagui sa kanyang pagbisita sa Barangay Masin,  na nakausap niya ang tatlong militia ng bayan kaugnay sa kanilang pagkakakilanlan at pagkakasama sa listahan na nagresulta sa pagnanais nilang sumuko.

Sinabi naman ng mga dating rebelde sa pulisya, simula taong 2015 o hanggang pitong taon na tumutulong ang mga ito sa grupo ni Bautista sa pamamagitan ng pagbibigay ng masisilungan at pagkain tuwing pumupunta sa kanilang lugar.

Sasailalim sa proseso ang mga sumukong supporters ng NPA para maka-avail ng mga benepisyo sa ilalim ng E-CLIP ng pamahalaan. IRENE GONZALES

Comments are closed.