MISAMIS ORIENTAL-TATLONG sinasabing miyembro ng communist terrorist group ang napatay ng militar sa naganap na sagupaan sa Claveria sa lalawigan ito nitong Linggo.
Sa report ng Army 402nd Brigade habang nagsasagawa ang ng combat patrol operation ang kanilang mga tauhan sa may Sitio Solana, Barangay Plaridel, Claveria nang masabat nila ang isang pulutong ng communist New People’s Army.
Agad na nauwi sa madugong engkuwentro ang palitan ng putok na ikinasawi ng tatlong NPA kabilang sa Weakened Guerilla Front (WGF) Huawei, Sub Regional Command (SRC)1, North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).
Narekober sa encounter site ang tatlong high powered firearms na kinabibilangan ng isang M16 Armalite na may magazine at may mga bala, isang carbine rifle na may magazine at mga bala, KG9 machine Pistol at mga subersibong dokumento.
Sa Northern Samar, naaresto naman ng mga awtoridad sa bayan ng Gamay ang isang babaeng hinihinalang miyembro ng NPA at itinuturing na second most wanted person sa probinsiya.
Sa bisa ng 2 warrant, hinuli ng pulisya at mga sundalo si alyas “Megan,” 65-anyos, secretary umano ng isang sub-regional committee ng NPA.
Nakuha suspek ang ilang baril, bala at improvised explosive device.
Mahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. VERLIN RUIZ