3 MIYEMBRO NG PNP SUGATAN SA PANANAMBANG

Ambush

TATLONG miyembro ng Philippine National Police ang malubhang nasugatan ng pasabugan at tambangan ng mga hinihina­lang grupo ng New Peoples Army (NPA)  ang mobile patrol car na sinasakyan ng hepe ng Pinamalayan Municipal Police Station noong Martes ng umaga sa Socco­ro Oriental Mindoro.

Sa inisyal na report na ipinadala sa PNP headquarters sa Camp Crame, patu­ngo sana sa  katabing lungsod ng Calapan ang grupo nina Capt. Ruelito Magtibay, deputy chief ng Pinamalayan police station, kasama si Barangay Chairman Noli Dela Cruz at police Ptlm. Raquel Generoso.

Isang malakas na pagsabog umano ang naganap na hinihinalang mula sa isang roadside mine na itinanim ng mga NPA ang sumabulat at sinundan ng sunod-sunod na putok pagsapit ng mga pulis sa Strong Republic Nautical Highway, sa Barangay Pasi 2.

Gayunpaman, nagawa pang mailayo ng driver ang patrol car sa killing zone subalit may tatlong tauhan ng Pinamalayan PNP ang nasugatan.

Kasama sa mga nasugatan sina police Chief Master Sgt. Ivan Fortus, SMSgt Irene Lazo at Cpl. Ivay Carmona.

Sinasabing papunta sana sa isang radio program sa lugar ang mga tauhan ng PNP nang sila ay tambangan.

Ayon kay Lt. Col. Socrates Fataldo, tagapagsalita ng Mimaropa Police Regional Office, bago pinaulanan ng bala ang mobile patrol ay nagka-roon muna ng malakas na pagsabog base na rin sa pahayag ng mga testigo.

Dinala sa Oriental Mindoro Provincial Hospital ang mga nasugatang pulis. VERLIN RUIZ

Comments are closed.