CAMP CRAME – UNDER probation ng tatlong buwan ang 21 bagong talagang pinuno ng iba’t ibang yunit bg Philippine National Police (PNP).
Ito ang nilinaw ni PNP Officer-In-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa matapos magpatupad ng malawakang balasahan sa PNP kamakalawa.
Iniutos din ni Gamboa ang pansamantalang pagsuspinde sa lahat ng pending promotion ng mga opisyal ng pambansang pulisya.
Ayon kay Gamboa, lahat ng opisyal at mga tauhan ng PNP mula sa mga commander ay inaasahang kikilos sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Mananagot din ang mga hepe kapag nabigo ang kanilang mga tauhan na gampanan ang tungkulin o kung masangkot ang mga ito sa ilegal na gawain. EUNICE C.
Comments are closed.