TULUYAN ng nalambat ang tatlong most wanted person sa iba’t ibang krimen sa Maynila.
Personal na iniharap ni Manila Mayor Isko Moreno ang suspek na si Jayson Icban, na nasa top 7 most wanted person dahil sa kasong robbery..
Habang kapwa nasa top 1 most wanted naman sina Jerry Boy Jumaquio alyas Pinggoy na nahaharap din sa kasong robbery at si Rolando Manaois na may kasong murder.
Napag-alaman na apat na taong nagtago sa batas sina Manaois at Jumaquio upang takasan ang kanilang ginawang krimen habang dalawang taon namang nagtago si Icban.
Muling nagbabala si Moreno sa mga wanted na sumuko na lamang at harapin sa husgado ang akusasyon na inihahain laban sa kanila.
“Huwag kayong magbabakasali, magpapasalamat ako sa Diyos dahil buhay kayong lagi na nakukuha pero hindi ko kayang garantihan kapag tayo nasa kalye na at magpangipangita na kaya ‘pag may pag-mamahal pang natitira nagmamalasakit pang natitira, nanawagan ako sa mga kamag-anak na natitira na inaakusahan na sumuko na lamang kayo sa pamahalaang lungsod ng Maynila”, panawagan ni Moreno sa mga wanted. PAUL ROLDAN
Comments are closed.