CAMP CRAME – TATLONG lalaki ang inaresto ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group dahil sa pangongotong sa mga politiko kabilang na si Senator Bong Go.
Timbog ang tatlong lalaki matapos ang ikinasang entrapment operation ng nasabing yunit ng PNP sa Malabon at bahagi ng Bicol region.
Kinilala ang mga ito na sina Dennis Borbon na dating staff ng Teachers Partylist, Edgar Paulo James Bularan at Menard Basa na naaresto sa Bicol.
Si Borbon at Bularan ay iprinisinta sa Media sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Chief, Gen Oscar Albayalde, isa sa bibiktimahin sana ng tatlo si Go.
Sa pahayag ng senador sa press conference sa Camp Crame, linggo ng gabi nang mag-text sa kanya ang suspek na si Dennis Borbon at nagpakilalang si Cam Sur Representative Arnulf Fuentabella.
Nanghihingi ito ng 20,000 para sa mga kabataan sa kanyang nasasakupan.
Subalit Lunes ng umaga ay tinawagan agad ni Go si Fuentabella at itinatanggi nitong nanghihingi siya ng pondo.
Agad siyang humingi ng tulong sa PNP ACG at ikinasa ang entrapment operation.
Nakuha sa operasyon ang isang cellphone, isang simcard, 3 load cards, isang Metrobank debit card at isang GCash card.
Bukod kay Go nabiktima ng dalawa ang vice governor ng Cavite na si Jolo Revilla at iba pang politiko. VERLIN RUIZ/REA SARMIENTO
Comments are closed.