3 NARCO TRADERS TIKLO SA P3.4M SHABU

CAVITE – Tatlong narco traders ang nasakote ng mga operatiba ng PDEA 4A makaraang makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga na shabu sabuy-bust operation sa parking lot ng mall sa Brgy. Palapala, Dasmarinas City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 ang mga suspek na sina Llianes Jean y Abad , 36-anyos, ng Brgy. San Lorenzo, Dasmariñas Cavite; Gammad , Devielyn y Santos, 32-anyos, ng Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas Cavite; at si Enriquez, Ma Lourdes, 28-anyos, ng Brgy. San Andres Bukid Brgy. 773 zone 84, Manila.

Base sa ulat, nakumpiska ang 500 gramo na shabu na may street value na P3.4 milyon, bundle of boodle money na ginamit sa anti-drug operation, isang cellular phone with keypad at isang postal ID card.

May ilang linggo ring isinailalim sa surveillance ang mga suspek kung saan nagpalit lipat ng lugar bago isagawa ang buy-bust operation.

Isinailalim na sa drug test ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman ang 500 gramo na shabu na gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaso sa Provincial Prosecutors Office.
Mhar Basco

7 thoughts on “3 NARCO TRADERS TIKLO SA P3.4M SHABU”

Comments are closed.