CAVITE – ARESTADO ang tatlong narco traders na sinasabing nasa drug watchlist bilang high-value target (HVT) makataang makumpiskahan ng P70.7 milyong halaga na shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operations ng pulisya at PDEA-A4 sa Dasmarinas City at Bacoor City, Cavite noong Lunes.
Batay sa ulat ni P/Cpl. Lorenzo Cawaling na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, unang nasakote ang suspek na si Michael “Boy Muslim” Lucas y Abdul, 36-anyos ng Maob Street, Town & Country Homes Subd. sa Brgy Burol 1, Dasmarinas City.
Ayon sa ulat, mismong sa loob ng bahay ni Lucas nakumpiska ng mga tauhan nina P/Lt. Col. Glenn Gonzales ng PNPDEG SOU 16; P/Lt. Col. Ruben Marte Piquero ng Dasma PNP at Director Jeffrey Tacio ng BoC CIIS ang 10 kilong shabu na may street value na P70 milyon, 3 unit ng digital weighing scale at ilang identification cards.
Nabatid na si Lucas ay sinasabing miyembro ng drug syndicate na supplier sa Region 3, NCR, Mindanao at karatig lalawigan kung saan inaangkat nito ang shabu mula sa isang detinidong Chinese sa Muntinlupa City.
Samantala, naaresto rin ang mga suspek na sina Mila Acebuche y Faballa, 51-anyos, manicurist at Mercy Sabolao y Faballa, 57-anyos, kapwa nakatira sa #177 Camarin, Caloocan City sa inilatag na drug bust operation ng Bacoor CPS SDEU, CIDG at PDEA Cavite sa bahagi ng Molino Blvd, Brgy. Talaba 4 sa Bacoor City.
Nasamsam kina Acebuche at Sabolao ang 100 gramo na shabu na may street value na P 70K, mark money na ginamit sa buy-bust operation, coin purse at 2 cellphones.
Isinailalim na sa drug test ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman sa Cavite Provincial Crime Lab ang shabu na gagamiting ebidensiya sa kasong paglabag sa Sec 5 na may kaugnayan sa Sec. 26 at Section 11 Art. II ng RA 9165. MHAR BASCO
167089 871399I recognize theres lots of spam on this internet site. Do you require assist cleansing them up? I may possibly aid among courses! 740416
36318 526443Yay google is my king helped me to find this great web internet site ! . 688042