LAGUNA-NAPIGILAN ng elite government forces ang tangka New People’s Army hit squad na likidahin ang mga government officials na nasa security sector, kabilang na ang mga taga pagsalita National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kasunod ng naganap na shootout sa Sta. Rosa City na ikinamatay ng tatlong rebelde na naaatasang magsagawa ng assassination mission kahapon.
“One of their missions is to hit NTF-ELCAC talking heads. However, they were pre-empted. Our gratitude to our partners in NTF-ELCAC, including members of the armed forces and the police,” pahayag pa ni Esperon, ang Vice Chairman of the anti-communist insurgency Task Force.
Dahil dito ay pinasalamatan ng NTF-ELCAC officials ang mga opisyales at tauhan ng 4th Intelligence and Security Unit at 14th Army Intelligence Battalion, 202 Brigade ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), Regional Intelligence Unit-4 at Laguna Police Provincial Office sa matagumpay na law enforcement operation.
Noong Enero limang kasapi umano ng communist hit squad ang napatay sa Baras, Rizal na naatasang likidahin ang mga top national at local government leaders maging mga police at military officers.
Sa impormasyong inilabas ni Esperon, sinasabing isang joint law enforcement operation ang inilunsad ng mga sundalo at pulis laban sa isang communist terrorist group (CTG) leader na kinilalang si Rommel Rizza alias Jomar/Bernie, commanding officer ng NPA’s Regional Special Operations Group sa Southern Tagalog na umano’y kasapi rng executive committee ng Regional Party Committee.
Pasado alas-12 ng hatinggabi, Mayo 21, ay sinalakay ng mga tauhan ng pamahalaan ang safehouse ni Rommel Rizza sa Buena Rosa Subdivision, Bgy. Macabling, Sta. Rosa City bitbit ang limang warrants sa kasong multiple attempted murder at murder na inisyu ni Honorable Executive and Presiding Judge Aurora V Maqueda-Roman ng RTC Br 61 Gumaca, Quezon; kasong Kidnapping with Murder w/ CC # 11-3248 and 11-3249 na inisyu ni Honorable Judge Rodolfo D Obnamia Jr ng RTC Branch 64 ng Mauban, Quezon.
Ayon kay Esperon nang tangkain ng mga awtoridad na isilbi ang hawak nilang WOAs, ay agad silang pinaputukan ng suspek at dalawang kasapi rin umano NPA death squad kaya nagkaroon ng enkuwentro na ikinamatay nina Rizza; Ka Blue/Billy, na nagsisilbing Medic/Supply Officer; at Ka Dean, intelligence officerng kilusan
Pahayag pa ni Usec.Joel Egco, isa sa mga taga pagsalita ng NTF-ELCAC na kamakailan ang naglabas ng kautusan si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison mula sa kanyang self-imposed exile sa The Netherlands para sa kanilang armadong galamay, ang NPA na magpakalat ng mga armadong partisano at special operations groups sa kalunsuran para magsagawa ng assassination mission. VERLIN RUIZ
876212 894551Whoa! This blog looks just like my old one! It is on a totally different topic but it has pretty significantly the same layout and style. Outstanding choice of colors! 238769
312283 829837Youve produced various nice points there. I did specific search terms about the matter and found mainly individuals will believe your internet site 738142