3 NPA NALAGAS SA BAKBAKAN

patay

LAGUNA – TATLONG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa pakikipagsagupa sa mga miyembro ng Regional Mobile Force Batallion (RMFB4A) 202nd Unifier Brigade Philippine Army (PA) at Kalayaan PNP sa masukal na bahagi ng Sitio Balatkahoy, Brgy. San Antonio Kalayaan, kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ni RMFB4A Chief PCol. Lambert Suerte kay Calabarzon PNP Director PBGen. Vicente Danao Jr. nasawi sina alyas Ka Termo, General Secretary ong Cezar Batrallo Command, alyas Ka Omar/Efren at alyas na Ka Dany/Mar/Efren.

Wala namang nasawi o nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Alas-1:00 ng madaling araw nang makasagupa ni Suerte at kanyang mga tauhan ang nasa mahigit na 40 bilang ng Communist Terrorist Group (CTG’s) habang aktong nagsasagawa ang mga ito ng scouting kaugnay ng “Oplan Dirty Dozen” operation ng mga ito sa lugar.

Sinabi ni Suerte na aktong naghahanap ang mga ito ng matutulugan nang biglang paulanan ang mga ito ng bala at grenade launcher na nauwi sa engkuwentro na tumagal ng mahigit na isang oras.

Makaraan ang mahabang oras ng pagpapalitan ng putok, nakatakas ang iba pa sa mga ito patungo ng kabundukan sakop ng lalawigan ng Quezon samantalang tatlo sa mga ito ang minalas na masawi at hinihinalang marami pa ang tumakas na sugatan dahil sa mga bahid ng dugo sa lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong M16 Armalite Rifle, Baby Armalite, magazine at mga bala, grenade launcher, hand grenade, 1 IED claymor mine, 20 meters firing line and blasting caps, tatlong jungle bolo, handheld radio/batteries, flashlight, cellphones, tatlong bandila ng NDF, CPP, NPA kabilang ang personal nilang mga kagamitan, subersibong mga dokumento at electronic device. DICK GARAY

Comments are closed.