LAGUNA- TATLONG panibagong miyembro ng New People’s Army na nag-ooperate sa lalawigang ito at Quezon ang sumuko sa pakikipag-ugnayan ng mga ito sa Laguna 402nd Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A.
Sa pahayag ni BGen. Carlito Gaces, Calabarzon police director, kinilala ang mga sumurender na sina Restituto Prado, alias “Nicole” , miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan- Laguna- Ganap na kasapi (GK,); Jeffrey Abig, 27-anyos, political guide at miyembro ng Platun Sol, Sub Regional.Military Area 4-B at Valian Palenzuela, 51-anyos ng Platun Reymark na nag-ooperate sa Quezon.
Sinabi ni Prado na siya ay nirecruit ng isang nagngangalang Ka “ Tashie” na sumapi sa Kalipunan ng mga Bagong Alyansang Makabayan noong 2007 at na assigned sa Macalelon, Quezon sa ilalim ng Apilonio Mendoza Command.
Samantala, sina Abig at Palenzuela ay sumuko sa 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company sa Lopez, Quezon sa ilalim ng programa ng pamahalaan na “ Coplan Greyhound”.
Kasamang isinuko ng tatlong NPA ang carbine rifle, mga magazine, 11 live ammunitions, hand grenade, homemade shotgun, isang cal.45, isang M1911 , isang cal.38 at mga bala.
ARMAN CAMBE