ISABELA-SUMUKO ang tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) na taga Cagayan at sa lalawigang ito sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa Police Regional Office 2, ang sumuko sa Allacapan police station 203rd mobile force platoon 2nd Cagayan Provincial Mobile Force at 203rd maneuver company regional mobile force batallion2 ay si alyas Cris, 37-anyos,isang butcher at tubong Tubel, Allacapan, Cagayan
Ni-recruit si Cris ng isang Silvinia Bumanglag na pinangakuang malilibre ang kanilang binabayarang patubig mula sa National Irrigation Administration (NIA) kung siya ay sasapi sa kilusan.
Pormal siyang naging miyembro ng kilusan noong 2013 at lumahok sa isinagawang kilos protesta sa harapan ng NIA sa Abulug, Cagayan.
Ang dalawa pang sumuko ay sina alyas Gibo, 46-anyos at alyas Rina, 34-anyos, kapwa residente ng Manano, Mallig, Isabela at nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan sa tulong ng Project SAGIP ng Mallig Police Station at Isabela Police Provincial Office (IPPO). IRENE GONZALES