3 NPA TODAS, 15 HIGH POWERED FIREARMS NASAMSAM SA SAGUPAAN

AGUSAN DEL NORTE- TATLONG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa ikinasang combat military operation sa sa Butuan City sa lalawigang ito.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), nakasagupa ng pinagsanib na puwersa ng 29th Infantry (Matatag) Battalion at 30th Infantry (Fight ‘on) Battalion ng Philippine Army ang isang pulutong ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na kinabibilangan ng SYP21C, WGF21 at Platoon Dao, Sub-Regional Sentro de Grabidad Westland kapwa nasa ilalim ng Sub-Regional Committee Westland, NEMRC sa kagubatang sakop ng Mt. Apo-Apo, Sitio Dugyaman, Brgy Anticala, Butuan City .

Kinumpirma ng AFP Eastern Mindanao Command (EastMInCom) ang naganap na engkuwentro sa Mt Apo-Apo na ikinamatay ng isang lalaki at dalawang babae na pawang miyembro NPA.

Patuloy pa rin inaalam ng Army 901st Infantry Brigade (901Bde), ang pangalan ng tatlong nasawi habang nakuha sa pangangalaga ng mga napatay ang limang AK47 rifles, apat na AR18 rifles, tatlong M4 rifles , dalawang M203 grenade launchers, M16 rifle at ilang mga dokumento.

Batay naman sa datos ng Eastern Mindanao Command , umabot na sa 201 na miyembro ng komunistang grupo ang na- neutralized ng kanilang hanay habang 227 naman ang captured and surrendered firearms bukod pa sa nasamsam na 34 anti-personnel mines. VERLIN RUIZ