LUMAGDA ang Copenhagen Infrastructure New Markets Fund (CINMF) sa tatlong offshore wind (OSW) service contracts (SCs) sa Department of Energy (DOE) upang mag-develop ng pinagsa- mang 2,000 megawatts (MW) ng wind energy capacity sa limang 2,000 megawatts(MW) ng wind energy capacity sa limang lalawigan.
Nasa $5-billion ang inilagak na investment ng CINMF para sa naturang mga proyekto.
Sa paglagda sa tatlong OSW service contracts, ang CINMF ay naging unang 100% foreign-owned company na nag-invest sa offshore wind development sa Pilipinas.
Nilagdaan nina Energy Secretary Raphael Lotilla at CINMF associate partner Przemek Lupa ang deals sa isang seremonya sa Taguig City.
Ang signing ay sinaksihan ni Danish Ambassador to the Philippines Franz-Michael Mellbin Ang CINMF ay isang affiliate ng Danish fund manager Copenhagen Infrastructure Partners (CIP).
Ayon kay Lupa, may 1,000 MW ng offshore wind project ang matatagpuan sa Camarines Sur, 650 MW sa Camarines Norte, at 350 MW sa Pangasinan.
Aniya, target ng kompanya na maisakatuparan ang naturang mga
proyekto sa tenure ni Presidentr Ferdinand R. Marcos Jr. Ang tatlong offshore wind projects ng CIP ay inaasahang lilikha ng 4,500 trabaho.
“Our ambition for the Philippines goes well beyond these three service contracts.
We have (an) appetite to grow onshore renewable energy projects as well as offshore, and to contribute to the clean and sustainable growth of the country,” ani Lupa.