3 OFWs NA-INTERCEPT NG BI SA NAIA

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) ang tatlong Pinay na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking syndicate na nago-operate sa Pilipinas at ibat ibang bansa.

Ayon sa report, ang tatlo ay nasakote ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) noong March 10 and 12 sa may departure area ng NAIA terminal 3 habang pasakay sa kanilang out bound flight papuntang Lebanon.

Sa isinagawang final interview sinabi ng isa na pupuntang Malaysia bilang turista, ngunit nakita sa passports na mayroong Egyptian visa, at kalaunan inamin na magtratrabaho siya bilang isang domestic helper sa Lebanon.

Ang isa ay natanggap bilang sales agent sa isang appliance company, ngunit nadiskubre na peke ang kanyang Employment Certificate, at walang maipakitang financial capacity to travel.

At ang pangatlo ay nagkunwari na papuntang Hongkong upang magbakasyon, ngunit kalaunan umamin na papunta rin siya sa Lebanon, at magtratrabaho bilang domestic helper.

Ang tatlo ay inilipat sa mga kamay ng Inter-Agency Against Human Trafficking upang sumailalim ng counseling at financial assistance. Froilan Morallos