SEOUL-PINAWI ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangamba ng mga kababayang may kaanak na overseas Filipino workers sa South Korea.
Ayon kay Seoul Charge d’Affaires Christian de Jesus, isinama ng Korean government sa mass testing ang mga migrant workers doon at kasama ang mga Filipino sa isinailalim sa pagsusuri na alinsunod sa kasunduan ng dalawang bansa.
Aniya, sinimulan ang COVID-19 mass testing sa S. Korea simula Enero hanggang sa kasalukuyang buwan at walang diskriminasyon kahit ano pa ang lahi.
Gumaganda na rin aniya ang sitwasyon sa South Korea lalo na’t walo pa ang gumaling sa nasabing sakit.
Isa sa apat na OFWs na nahawa sa coronavirus ay gumaling na habang ang tatlo ay patuloy na ginagamot at minomonitor ng DFA.
Samantala, patuloy rin ang pagtulong ng Philippine government sa pamamagitang ng DFA, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga OFW na naroon.
“Sa pamamagitan ng DOLE-Akap program, natulungan natin ang ating mga OFW na na-displace at maging ang mga temporary workers sa pamamagitan ng cash assistance at food packs.
Habang ang mga undocumented Filipino ay hinikayat na makipag-ugnayan sa embahada para matulungan gaya ng mga basic needs nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM