ISABELA – TATLONG drop ball operators ang dinakip ng Angadanan Police Station sa kanilang anti-illegal gambling operation sa Barangay Calaccab.
Kinilala ni Sr. Insp. Ardee Tion, hepe ng Angadanan Police Station ang tatlong nadakip na sina Roderick Camaddu, 38-binata, ng Silauan Sur, Echague, Isabela, Lee Robin Dalupang, 22, binata at si Cristy Camaddu, pawang naninirahan sa Brgy. Taggapan, Echague.
Sinabi ng Isabela Police Provincial Office, na pinamumunuan ni Sr. Supt. Mariano Rodriguez, isang text message mula sa isang concerned citizen na umano’y may mga nag-o-operate ng drop ball sa nasabing barangay.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang Angadanan Police Station sa pangunguna ni Sr. Insp. Ardee Tion, at nadakip nila ang mga suspek at nasamsam ang mga gambling paraphernalia na kinabibilangan ng drop ball table, dalawang pingpong ball, at taya na nagkakahalaga ng mahigit P3,000.
Bagamat marami ang tumataya nang dumating ang mga pulisya ay ang mga operator lang ang kanilang inaresto dahil nagtakbuhan na sila. IRENE GONZALES
Comments are closed.