3 OTS INIIMBESTIGAHAN SA BODY FRISKING SA ENHYPEN BOY BAND

NAKASALANG  sa masusing imbestigasyon ang tatlong kawani ng Office of Transportation Security (OTS) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sangkot sa nag-viral na video ng departing Korean artist kamakailan.

Ayon kay OTS Administrator Ma.O Aplasca bukod sa OTS screeners at friskers kasama rin sa imbestigasyon ang OTS supervisor on duty nang mangyari ang insidente.

Aniya, nakatakdang ipalabas ang resulta ng imbestigasyon sa loob ng linggong ito, at kapag napatunayang guilty sa unprofessional behavior ay kakaharapin ang kasong administrative ng tatlo.

Dagdag pa ni Aplasca maliwanag na nilabag ng mga ito ang security breach sa nangyaring video sa loob ng final checkpoint habang dumadaan ang mga miyembro ng Korean Pop artist Ënhypen Boy Band.

Ang viral video ay nagpapakita bilang unprofessional ang mga female screener habang kinakpkapan ang mga miyembro ng Korean boy band.

Ang kanilang OTS body frisker ay pinaiikutan at bini-video ng departing Korean artist sa may final security check sa NAIA terminal 1. Froilan Morallos