TATLO katao ang nasawi, dalawa ang sugatan at isa ang nawawala sa Region 11 sa paghahupit ng Bagyong Dante.
Batay ito sa situation report hanggang alas-8 ng umaga kahapon ng Hunyo 2, na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa mga iniulat na nasawi, dalawa ang mula sa Region 11 kabilang ang isang taong gulang na batang lalaki na natabunan ng putik; at isang 71-anyos na lalaki na tinangay ng flashflood, na kapwa taga-Panoraon, Davao del Sur.
Ang pangatlo namang iniulat na nasawi ay isang 14-anyos na babae mula sa Nurallah, South Cotabato.
Patuloy naman ang search and rescue operations sa Nurrala, South Cotabato para sa nawawalang 55-anyos na ama umano ng pangatlong iniulat na nasawi.
Habang sa Brgy. Macangao Davao Oriental, isang 14 na taong gulang na lalaki ang nagtamo ng head injury; at isang 18 taong gulang ma babae ang nabalian ng buto sa hita.
6 CREW NG LUMUBOG NA BANGKA SA ROMBLON LIGTAS NA
Nasa ligtas nang kalagayan ang anim na crew ng lumubog na fishing boat sa karagatan ng Romblon kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) Mimaropa na nakarating sa Camp Crame, nakatanggap ng tawag ang Romblon Municipal Police Station (MPS) tungkol sa paglubog ng MB Advijobe sa karagatan ng Brgy. Alad, Romblon, Romblon kaninang pasado alas 8 ng umaga mula sa concerned citizen.
Patungo ang bangka sa munisipyo ng Corcuera nang magdesisyon ang mga mangingisda na sumilong sa lokalidad dahil sa sama ng panahon.
Agad nakipag-coordinate ang Romblon MPS sa Philippine Coast Guard (PCG) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).
Pero dahil sa lakas ng alon at zero visibility, naantala ang rescue operation.
Sumaklolo naman ang mga mangingisda sa lokalidad at nasagip ang anim na sakay ng Bangka. E.CELARIO
278052 222267I got what you intend,bookmarked , quite nice internet internet site . 426321
855838 393818I wish I had a dime for every bad article Ive read lately. I also wish other writers had your talent and style. Thank you. 414543
426085 501255Hey there! Great stuff, please do tell us when you post once more something comparable! 521858