PATULOY na pinaghahanap ng Department of Health (DOH) ang tatlo sa mga nakasalamuha ng Filipinong nagpositibo sa U.K. variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang ang mga ito sa 213 close contact ng kauna-unahang kaso ng bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sinabi ni Vergeire, 14 sa mga close-contact nito ang nagpositibo sa COVID-19 ngunit hindi pa natutukoy kung sa bagong variant ng COVID-19.
Sa ngayon, ipinadala na sa Philippine Genome Center ang sample na kinuha sa 14 na mga pasyente upang maisailalim sa genome sequencing upang matukoy kung nagpositibo ang mga ito sa bagong variant ng COVID-19. DWIZ882
Comments are closed.