3 PAARALAN NABIYAYAAN NG COMPUTER SETS MULA SA DAVAO COPS

PATULOY ang BarangaYanihan program na ikinasa ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng Police Community Affairs and Development Group na pinamumunuan ni PBrig. Gen. Eric Noble.

Isa sa kanilang matagumpay na hakbang ang pamamahagi sa tatlong paaralan at dalawang barangay sa Davao Oriental ng computer sets mla sa mga tauhan ng Davao Oriental Police.

Ang donasyong computer sets ay mula sa mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 4, 2nd Davao Oriental Provincial Mobile Force Company, at Banaybanay Municipal Police Station.
Kabilang sa nakatanggap ng computer sets ay ang Mahayag Elementary School, Ireneo Donguila Elementary School, at San Roque Elementary School.

Habang tumanggap din ng donasyong computer sets ang Barangays Mahayag at Panikian.

Gagamitin ang mga computer ng mga health workers at iba pang opisyal ng barangay.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar malaking tulong ang donasyon sa mga paaralan na nangangailangan ng computer sa gitna ng ipinapatupad na distance learning scheme.

Matutulungan din aniya nito ang mga opisyal sa barangay upang mas magawa pa nila ng maayos ang kanilang tungkulin, lalo na sa aspeto ng peace and order sa kanilang lugar. EUNICE CELARIO

9 thoughts on “3 PAARALAN NABIYAYAAN NG COMPUTER SETS MULA SA DAVAO COPS”

  1. 396987 294331I discovered your weblog web site on google and check several of your early posts. Continue to keep up the extremely great operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading far more from you later on! 398092

  2. 99994 316276 An fascinating discussion is worth comment. I believe that you really should write far more on this subject, it may well not be a taboo topic but usually people are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers 758980

Comments are closed.