3 PANG COLLEGIATE STARS SWAK SA ALAS PILIPINAS

ALAS PILIPINAS

ANG breakthrough bronze medal-clinching performance ng Alas Pilipinas sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women na natapos noong Linggo ang unang stop ng pinalakas na mid- at long-term goals ng women’s volleyball program.

“The intention is to keep this team intact with additional athletes from the college ranks,” pahayag ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara nitong Huwebes, isang araw makaraang makaulit ang Alas Pilipinas sa mas matatangkad na Australian side, 25-23, 25-15, 25-7, upang kunin ang makasaysayang podium finish sa harap ng wildly-cheering jampacked crowd sa Rizal Memorial Coliseum.

“It’s a breakthrough, it’s historic, and the obvious next step is to keep this team intact and make it stronger and much more competitive,” ani Suzara. “And next year, in the SEA Games, I believe we’ll have a very strong fighting chance.”

Ang 33rd SEA Games ay gaganapin sa Thailand sa 2025.

Muling iginiit ni Suzara na nais ng federation na manatili si Jorge Edson Souza de Brito bilang head coach ng women’s program. Ang tour of duty ng Brazilian sa bansa ay magtatapos sa susunod na buwan at itinalaga na ito sa  Chinese Taipei sa ilalim ng FIVB empowerment program.

Mananatili sa national team sina Jia Morado-de Guzman, Cherry Nunag, Dell Palomata, Dawn Macandili-Catindig, Eya Laure, Faith Nisperos, Fifi Sharma, Jennifer Nierva, Sisi Rondina at Vanessa Gandler na pawang naglalaro sa Premiere Volleyball League.

Mula sa collegiate ranks ay sina De La Salle’s Angel Canino, Julia Coronel atThea Gagate at makakasama nila sina Aly Solomon at Bella Belen ng National University at Casiey Dongallo ng University of the East.

“It’s a potent mix,” sabi ni Suzara patungkol sa kumbinasyon ng mga beterano at  youngster sa Alas Pilipinas.

Bago ang bronze finish nitong Huwebes,  ang Pilipinas ay hindi pa nagtatapos na mas mataas sa fourth place sa isang Asian level competition subalit nagningning sa SEA Games bilang gold medalist noong 1977, 1979, 1981, 1985, 1987 at ang huli ay noong 1993.