3 PANG GOLD KAY DE LOS SANTOS

NAGDAGDAG si Filipino karateka James de Los Santos ng tatlo pang ginto sa kanyang total haul para sa taon makaraang pagharian ang tatlong torneo.

Unang tinalo ni De Los Santos si Silvio Cerone Biagioni ng South Africa, 25.5-23.6, sa shotokan individual male senior final ng 3rd E-Karate Games.

Kasunod nito ay ginapi ni De Los Santos si Matias Domont ng Switzerland, 25.3-23.6, para sa  2nd Euro Grand Prix gold.

Tinapos ni De Los Santos ang araw sa pagkubra ng gold sa Rome International ENDAS Karate Cup, makaraang talunin si American opponent Alfredo Bustamante sa final, 25.1-24.

“Hat trick! Another personal record!” masayang pahayag ni De Los Santos kung saan ito ang unang pagkakataon na nanalo siya ng tatlong golds sa parehong araw.

Dahil dito, si De Los Santos ay mayroon nang 29 golds para sa taon na nagpatatag sa kanyang kampanya na tapusin ang taon bilang world’s top virtual kata player. (PNA) 

Comments are closed.