ISASAPINAL ng Filipinas ang loan agreements sa Japan sa first quarter ng taon para sa tatlong infrastructure projects.
Ayon sa Department of Finance (DOF), ang loan agreements ay para sa flood control projects sa Metro Manila, at sa accessibility at linkages projects sa conflict areas sa Mindanao.
Ang loan para sa North-South Commuter Railway Extension project ay nakatakdang lagdaan ngayong buwan.
Sinabi pa ng DOF na ang loan agreements para sa dalawang iba pang proyekto ay lalagdaan ngayong first quarter, kung saan sakop nito ang phase four ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project at ang Road Network Development Project in Conflict-Affected Areas in Mindanao.
Noong nakaraang Nobyembre ay nilagdaan ng Filipinas at Japan ang mga dokumento sa pangako ng Japanese government na tutulong sa pagpondo sa Pasig-Marikina Project at sa North-South Commuter Railway.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na inaasahang popondohan ng Japan ang marami pang infrastructure projects sa bansa sa pamamagitan ng grants at loans.
Comments are closed.