TATLO pang PBA players ang papasok sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para samahan ang national team sa training camp.
Sinabi ni Gilas Pilipinas team manager Gabby Cui na papasok siya sa bubble sa Biyernes kasama sina TNT’s Roger Pogoy at Troy Rosario, gayundin si NLEX forward Raul Soyud.
“We had to do RT-PCR testing going to the bubble, so we’re doing that tomorrow (Tuesday),” sabi ni Cui.
“Then, on the 22nd, we enter Inspire where we do another round of RT-PCR (testing), based on the protocols.”
Sina Rosario at Pogoy ay kapwa mainstays ng national team program, subalit ito ang unang pagkakataon na inimbitahan si Soyud sa Gilas Pilipinas pool.
Ang NLEX forward ay may average na 10.0 points, 6.8 rebounds, at 1.1 assists per game sa 2020 PBA Philippine Cup.
Ilang miyembro ng Gilas Pilipinas pool ang nasa loob na ng Calamba facility, kung saan naghahanda ang national team para sa third at final window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.
Ang mga amateur na kumatawan sa bansa sa November 2020 window sa Bahrain — Calvin Oftana, Justine Baltazar, Javi Gomez de LIano, William Navarro, Kenmark Carino, and Dave Ildefonso — ay nasa bubble magmula pa noong Enero 10.
Sinamahan sila ni Ange Kouame, kandidato para sa naturalization ng bansa, gayundin sina PBA players Kiefer Ravena, CJ Perez, at Justin Chua. Nasa bubble din ang picks noong isang taon mula sa special Gilas draft na sina Isaac Go, Rey Suerte, Mike Nieto, at Matt Nieto.
Comments are closed.