TATLONG overseas Filipino (OF) ang iniulat na nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Pebrero 2, nasa 13,963 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 85 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 4,092 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala iniulat na bagong gumaling kaya nanatili sa 8,919 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Dalawa ang bagong napaulat na nasawi kaya 952 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino sa ibayong dagat.
Pinakamarami pa ring naitalang COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East at Africa na may 7,881 na kaso.
Sumunod ang Europa na may 2,473 mga kaso.
Nasa 836 ang kaso sa America at 2,773 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga OF sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Comments are closed.