CHANGI – TATLO pang Filipino sa Singapore ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kaya umabot na sa anim na Pinoy ang infected sa nasabing sakit.
Sa website ng Singapore Ministry of Health, ang ikatlong Pinoy na may code na Case 178 ay 37-anyos na Filipino male na holder na Singapore Work Pass.
Ang pasyente ay nasa Filipinas simula Pebrero 11 hanggang 19 at noong Pebrero 23 hanggang Marso 2 para bumisita sa isang kaanak na may pneumonia na namatay na rin.
Ang biktima ay nagpositibo sa COVID-19 noong Miyerkoles ay naka- isolate sa Ng Teng Fong General Hospital (NTFGH).
Sinasabing may kaugnayan si Case 178 kay Case 167, na isang 35-year-old Filipino woman na holder din ng Singapore Work Pass. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.