MATAPOS ang trahedyang sinapit ng mag-asawang Pinoy na nag-honeymoon sa sikat na Maldives, tatlo pang turista ang namatay habang nagtatampisaw sa isla.
Sila ang panglima nang turistang namatay ngayong Enero.
Sa ulat ng Maldives Times, ang 40-anyos na babaeng Russian ay nalunod sa diving trip sa Maldives nitong Linggo dahil sa malakas na current bunga ng north-eastern monsoon”.
Bago ang pagkamatay ng Russian national ay ilan pang turista ang naiulat na nalunod ngayong Enero.
Ayon pa sa ulat, isang 84-anyos na lalaki mula Czech Republic ang nalunod nitong Sabado habang isa pang 66-anyos na South Korean ang nalunod din noong Enero 16.
Enero 13 naman nang malunod habang nagi-snorkel ang bagong kasal na sina Leomer at Erika Joyce Lagradilla sa Dhiffushi Island.
Bunga nito ay magpapatupad ang mga awtoridad ng Maldives ng safe zones para sa mga swimmer.
Comments are closed.