3 PASYENTE IGINUPO NG C-19 DELTA VARIANT

TATLONG pasyente ng COVID-19 Delta variant ang iginupo sa Davao region, ayon kay Dr. Rachel Joy Pasion, Regional Epidemiology Surveillance Unit head ng Department of Health-Davao Region (DOH-Davao).

Sinabi ng dalubhasa na ang tatlong pasyente ay namatay matapos magpositibo sa mas nakakahawang Delta variant.

Nabatid na sa nasabing mga pasyente, dalawa nito ang sa Davao City habang isa ang sa Davao de Oro.

Sa kasalukuyan, umakyat na rin ngayon sa 58 Delta cases ang natala sa Davao region kung saan 40 ang nakarekober, isa ang active case (Davao Occidental), at 14 nito ang una ng na-discharge ngunit kailangan pa rin na isailalim sa reswabbing.

Sa nasabing bilang ng mga naitalang Delta cases, 21 nito ang sa Davao City, 11 sa Davao Oriental, 10 sa Davao del Norte, siyam sa Davao Occidental, lima sa Davao del Sur at dalawa sa Davao de Oro.

Inanunsiyo rin ng DOH-Davao na dadag na 10 Delta variant cases ang na-detect sa Davao Region na inindorso ng University of the Philippines–Philippine Genome Center-Whole Genome Sequencing mula sa batch 33 na ipinadala sa nasabing pasilidad.

4 thoughts on “3 PASYENTE IGINUPO NG C-19 DELTA VARIANT”

Comments are closed.