MAYNILA-ILAN sa pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) ay pinauwi na ng bahay makaraang makarekober sa nasabing sakit.
Sa ulat ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga nakarekober o gumaling na sa karamdaman, na mula sa 28 ay naging 31 na.
Pumalo naman aniya sa 803 ang confirmed COVID-19 cases sa bansa.
Kinumpirma ni Vergeire na nakapagtala pa sila ng karagdagang 96 na bagong kaso ng sakit.
Habang sumampa naman sa 54 ang bigong maisalba ng doktor.
Samantala, kabilang sa mga gumaling at pinayagan nang makauwi ng kanilang mga tahanan ay sina PH4, na isang 48-year old na lalaki mula sa Taguig; PH66, na isang 25-year old na lalaki mula sa Pasig; at si PH42, na isang 51-year old na lalaki na mula rin sa Pasig.
Ang mga namatay dahil sa sakit ay pawang may mga preexisting health condition gaya ng hypertension, diabetes, kidney at heart disease, at asthma. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.