3 PATAY, 14 SUGATAN SA AKSIDENTE SA TPLEX

PANGASINAN -BINAWIAN ng buhay ang tatlo katao kabilang na ang isang 76- anyos na lola habang 14 naman ang sugatan na pawang magkakamag-anak, nang biglang pumutok ang gulong ng sinasakyan nilang van sa Tarlac – Pangasinan – La Union Expressway (TPLEX).

Naganap ang nasabing insidente dakong alas-9 ng umaga nitong Sabado, habang binabagtas ang TPLEX sa Tomana West, Rosales.

Nang biglang pumutok ang gulong ng van at sumadsad ito sa barrier ng expressway hanggang sa nagpaikot-ilkot.

Bukod sa 76-anyos na lola at dalawang lalaki pa na nasa edad 30 at 32 ang binawian ng buhay.
Sugatan naman ang 14 na pasahero ng van kabilang na ang drayber nito.

“Ang tantiya ko du’n, overload po. Kasi ‘yung gulong ng nasabing vanm ay may sukat na 14-15. tapos ang sakay niya is 17. Siyempre long distance, hindi nakayanan ng gulong… pumutok,” pahayag ni PCMS Marlon Pala, Investigator, ng Rosales Police.

Nabatid na galing sa Caloocan ang magkakamag-anak at patungo sana sa Manaoag, Pangasinan para magsimba.

Hanggang s akasalukuyan ay patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nasabing insidente.
EVELYN GARCIA