PATAY ang tatlo katao habang 17 ang sugatan matapos na suruin ng isang papamsaherong bus ang mga sasakyan kahabaan ng Commonwelth Ave. sa panulukann ng Fairlane St., Brgy. Fairview, Quezon City.
Batay sa ulat na isinumite kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan, kinilala ni Lt. Hermogenes Portes Jr., hepe ng Traffic Sector 5 ang suspek na si Rolly Canapi Pascua, 42-anyos, driver at residente ng Brgy. Espiritu Santo, Quezon City.
Ayon sa ulat, minamaneho ng suspek na si Pascua ang isang pampasaherong bus na bumabagtas sa kahabaan ng Commonwealth Ave., patungong Elliptical Road nang biglang magka-aberya ang preno at bumangga sa dalawang motorsiklo na bumangga rin sa pasaherong UV Express. Nadamay din sa banggaan ang 4 pang motorsiklo at isang taxi.
Dahil sa lakas ng impact, tatlo sa 20 biktima ang idineklarang dead on arrival ng mga attending physician nang isugod sa pagamutan.
Samantala, sasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Damage to Property with Multiple Physical Injuries at Multiple Homicide ang suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office. EVELYN GARCIA