BATAAN – TATLO Katao ang agad na binawian ng buhay habang 26 katao ang nasugatan makaraang araruhin ng isang bus ang mga sasakyan na naganap kamakalawa ng gabi sa Dinalupihan.
Batay sa inisyal na report, naganap ang nasabing insidente makaraang umanong mawalan ng kontrol ang bus na minamaneho ng 54-anyos na driver nito sa kahabaan ng Jose Abad Santos, Avenue, Barangay Bangad.
Nabatid sa isinagawang pagsisiyasat ng mga awtyoridad, galing umano sa Pampanga ang pampasaherong bus at patungo sa Olongapo nang masagasaan nito ang isang motorsiklo, dalawang tricycle, at isang L300 vanbago pa sumalpok sa kasalubong na pampasaherong jeepb sa kabilang linya.
Sinabi ng Provincial Health Office ng Bataan na tatlong pasahero ang agad na binawian ng buhay habang 26 ang sugatan sa banggaan.
Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, at damage to properties ang driver ng naturang bus.
EVELYN GARCIA