3 PATAY SA PAMAMARIL

LAGUNA-TATLO katao ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa rehiyon ng Calabarzon ang naganap nitong Sabado.

Sa lungsod ng Ta­nauan, Batangas , isang construction worker na nakilalang si Romeo Cortuna Espiritu ang binaril habang sakay ng kanyang bisikleta sa Poblacion 1 ng nasabing bayan dakong ala-6 ng gabi na agad naming tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect sa direksiyon ng Lipa City.

Sa lalawigan naman ng Rizal, patay din sa pamamaril si Jocelyn Balansag ng New Taytay public market habang nakatayo sa nasabing pamilihan dakong alas-10 ng umaga na ayon sa pulisya, dalawang lalaki na nasa edad 25 ang lumapit sa biktima at mabiis itong pinagbabaril.

Nakatakas din ang mga suspek at pinaghahanap ito ng mga alagad ng batas.

Namatay din sa tama ng bala ng baril si Jerald Rosales, 31-anyos, may asawa ng Barangay Del Rosario , Tiaong Quezon matapos barilin habang sakay sa kanyang motorsiklo dakong alas-8:20 ng gabi na kung saan nakita sa CCTV ng barangay ang dalawang lalaki na bumaril sa likuran ng biktima.

Nakatakas din ang mga suspek sakay ng isang lumang owner type jeep na walang plate number.
ARMAN CAMBE