3-PEAT SA RED LIONS

malou aquino

ISANG panalo  na lang ang kaila­ngan ng Magnolia Hotshots upang makausad sa finals. Unang tinalo ng tropa ni coach Chito Victolero ang Barangay Ginebra noong sa Ynares sa Antipolo ang laro at ang huli ay kamakalawa ng gabi sa Araneta Coliseum, 101 – 97.

magnolia hotshot

Napatalsik pa sa laro si coach Tim Cone nang mag­reklamo dahil hindi niya nagustuhan ang tawag ng referees sa kanila.

Hindi na hahayaan ni coach Victolero na makakawala pa ang pagkakataon na makapasok ang kanyang team sa championship.

Hindi nakapaglaro si Joe Devance na isa sa inaasahan ni coach Cone. Mukhang napuwersa si Devance nang pilitin siyang mag-laro noong nakaraang Linggo. Oks naman ang inilaro ng mga player ng Ginebra pero sadyang ayaw makisama ng bola sa kanila. Abangan natin ngayong gabi kung tatapusin na ng Magnolia ang laban.

Bilib ako rito kay Rome dela Rosa ng Magnolia. Mahusay ang depensa, matapang walang kinatatakutan. Katunayan, si import Justine Brownlee ang pinababantayan sa kanya ni coach Chito. Kahit mas matangkad sa kanya wala siyang pakialam. Kung hindi ako nagkakamali, kapipirma lang ng bagong kontrata ni Dela Rosa sa Hotshots. Keep it up, Rome.



san beda red lionTuluyan nang iniuwi ng San Beda Red Lions ang kampeonato laban sa Lyceum Pirates. Pangatlong sunod na ito ng Red Lions. Si JV Mocon ang nahirang na finals MVP makaraang kumamada ng 16 points at 11 rebounds. Laking pasasalamat ni coach Boyet Fernandez sa kanyang mga player dahil sa magandang nilaro ng mga ito. Ito ang tamang oras na pinakahihintay ni Mocon na pasu­kin ang professional league. Nasubaybayan ko ang basketball career nito. Marami siyang pinagdaanan na pagtitiis at tiyaga para makamit ang MVP. Kaya naman naging mahusay siyang manlalaro kasi marunong siyang magtiyaga. Marami pang ilalabas na magandang laro si Mocon pagpasok niya sa PBA. Good luck!

Comments are closed.